^

Probinsiya

Nakuryente sa paglalaro, patay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 5-anyos na nene ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang naglalaro sa bahagi ng Barangay Palnab sa bayan ng Virac, Catanduanes, kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Catanduanes Provincial Hospital ang biktimang si Rica Fatima, matapos na matapakan ang talop na linya ng kuryente habang naglalaro malapit sa bahay ng kaniyang lolot’ lola sa nabanggit na barangay.

Ayon sa pulisya, nawasak ang metro ng kuryente ng bahay kung saan lumaylay ang linya ng kuryente sa kalsada at nagkataon namang natapakan ng biktima ang kawad na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Agad namang namataan ni Gerulf Fatima ang kanyang utol na nangingisay kaya mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na umabot pa ng buhay.

Pinag-aaralan naman ng pulisya kung may pananagutan ang may-ari ng bahay sa pagkamatay ng bata. (Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PALNAB

CATANDUANES

CATANDUANES PROVINCIAL HOSPITAL

ED CASULLA

GERULF FATIMA

IDINEKLARANG

ISANG

LEGAZPI CITY

RICA FATIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with