^

Probinsiya

2 todas, 2 sugatan sa karambola ng sasakyan

-
NUEVA ECIJA – Dalawa ang patay at dalawa ang malubhang nasugatan nang maganap ang karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. Maturanoc sa bayan ng Guimba kamakalawa, ng lalawigang ito.

Sa ipinadalang ulat ng Guimba Police sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakilala ang mga nasawing biktima na sina Eddie Baldovino at Jun Rey Angcut, kapwa residente ng bayang ito.

Habang nilalapatan ng lunas sa Guimba General Hospital ang mga sugatang sina Jose Baliwan, driver ng single na motorsiklo (AJ-5295) at Eduardo Fermin Jr., driver ng isang tricycle (YY-5314).

Nabatid na bandang alas-5:35 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Provincial Road nang mabundol ng motorsiklo ni Baliwan si Fermin habang patungo ang mga ito sa kanlurang direksyon. Angkas ni Baliwan si Angcut habang pasahero ni Fermin sa kanyang tricycle si Baldovino. Napunta naman sa kabilang lane ng kalsada ang tricycle at aksidenteng nabundol ng paparating na XLT type passenger (OWN-280) na minamaneho ni Victorino Damo. Halos mawasak ang tricycle na ikinasawi nina Baldovino at Angcut at ikinasugat ng dalawang driver. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ANGCUT

BALDOVINO

BALIWAN

CHRISTIAN RYAN STA

EDDIE BALDOVINO

EDUARDO FERMIN JR.

FERMIN

GUIMBA GENERAL HOSPITAL

GUIMBA POLICE

JOSE BALIWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with