^

Probinsiya

Paslit dinukot, 3 kidnaper tiklo

-
CAMP AGUINALDO – Dinukot ng limang armadong kalalakihan ang isang 4-anyos na batang lalaki na anak ng isang negosyante habang nasakote naman ang tatlo sa mga kidnaper sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang dukutin ang biktimang si Bashet Mangotara, ng Standford St., Celdran Village, Brgy. Tubod ng lungsod.

Nabatid na pinasok ng mga armadong kidnaper ang bahay ng pamilya Mangotara at tinangay ang biktima saka isinakay sa isang multicab.

Namataang tumahak ang mga suspek sa bahagi ng Brgy. Camague at pagsapit sa Sta. Elena ay inilipat ang biktima sa isang KIA taxi bilang getaway vehicle.

Agad namang tinugis ng mga pulisya ang mga kidnaper at nasakote ang tatlo sa mga ito.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Marlon Dominguez, 29; Ariel Bundaon, 46 at Edgar Lao, 28.

Gayunman, nagawang makatakas ng mga kidnaper tangay ang batang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARIEL BUNDAON

BASHET MANGOTARA

BRGY

CELDRAN VILLAGE

EDGAR LAO

ILIGAN CITY

JOY CANTOS

MARLON DOMINGUEZ

STANDFORD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with