^

Probinsiya

Ex-vice governor ng Nueva Ecija itinumba

-
CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating bise gobernador ng Nueva Ecija ng dalawang maskaradong lalaki habang ang biktima ay papasok ng kanyang bahay sa Barangay San Roque Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Doctors Hospital sa Barangay H Concepcion ang biktimang si Loreto Pangilinan y de Paz alyas Ito, ngunit nasawi rin dahil sa tinamong anim na bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7 ng umaga habang papasok ng kanyang bahay si Pangilinan nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki na nakamotorsiklong kulay pula at walang plaka.

Ang 70-anyos na negosyante ay naging board member bago maging bise gobernador sa nasabing lalawigan.

Sa kasalukuyan ay walang lumutang na saksi sa naganap na insidente at masusing sinisilip ng mga beteranong imbestigador ng pulisya ang ilang anggulo na maaaring maging motibo sa pagpaslang sa biktima. (Ulat nina Angie dela Cruz at Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ANGIE

BARANGAY H CONCEPCION

BARANGAY SAN ROQUE SUR

CABANATUAN CITY

CAMP CRAME

CHRISTIAN RYAN STA

CRUZ

DOCTORS HOSPITAL

LORETO PANGILINAN

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with