^

Probinsiya

Quezon, paralisado sa tigil pasada

-
LUCENA CITY – Naramdaman din sa Quezon partikular sa lungsod na ito ang isinagawang nationwide transport strike ng mga pampublikong pampasaherong dyip at traysikel, gayundin ang mga bus na nanggagaling sa Kamaynilaan.

Kapansin-pansin sa Lucena Grand Central Terminal, ang pinakamalaking terminal sa Southern Luzon, na walang gaanong pumapasok at lumalabas na mga bus upang maghatid ng mga pasahero.

Dalawang six by six truck naman ng AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) ang pinalabas ni SOLCOM Commander Lt. Gen. Pedro Cabuay na maghatid ng mga pasaherong walang masakyan patungo sa palabas ng lungsod.

Hindi naman gaanong naramdaman sa mga paaralan ang tigil pasada sapagkat karamihan sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay hindi na pinapasok ang mga estudyante.

Ayon kay Quezon PISTOL President Ton-Ton Chavez, tumalima sila sa panawagan ng kanilang mga kapwa driver sa Kamaynilaan na magsagawa ng tigil pasada kahapon upang iparating sa pamahalaan ang pagbasura sa oil deregulation at ang paghiling ng karagdagang singil sa pamasahe.

Nakisama rin sa tigil pasada ang Kilusang Magta-tricycle sa Lucena (KML) na pinamumunuan ni Lito Cantos ng kanyang atasan ang nasa 2000 miyembro na pansamantalang huwag bumiyahe. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

COMMANDER LT

KAMAYNILAAN

KILUSANG MAGTA

LITO CANTOS

LUCENA GRAND CENTRAL TERMINAL

PEDRO CABUAY

PRESIDENT TON-TON CHAVEZ

QUEZON

SOUTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with