^

Probinsiya

JI terrorist aatake sa Central Mindanao?

- Joy Cantos -
Pinaplano umano ng mga teroristang Jemaah Islamiyah (JI) na may ugnayan sa Al Qaeda na magsagawa ng mga pambobomba sa mga pangunahing lungsod sa Central Mindanao.

Ito ang ibinulgar kahapon ng militar base sa nakalap nilang intelligence report kasabay ng pag-alerto sa kanilang puwersa sa mga lugar na posibleng target ng ‘ terrorist attack ‘.

Kinumpirma ni Lt. Col. Franklin del Prado, 6th Infantry Division Assistant Chief of Staff ang namonitor na presensiya ng JI sa Central Mindanao kung saan base sa kanilang nakalap na ‘highly classified information’ ay naghihintay na lamang ng tamang pagkakataon para magsagawa ng pambobomba sa mga matataong lugar sa rehiyon.

"May balak ang JI operatives na magsagawa ng pambobomba at pananabotahe sa mga lungsod ng General Santos at Koronadal partikular na sa mga public markets, bus terminals at mga simbahan," pahayag ni del Prado na naniniwalang pansamantala lamang ang pananahimik ng naturang teroristang grupo.

Sa tala ng militar noong Abril 2002, isa ang General Santos City sa naging sentro ng madugong pagpapasabog sa Mindanao na kumitil ng buhay ng may 15 katao habang 83 pa ang nasugatan. Ang lungsod ay dumanas ng apat na insidente ng pambobomba noong nakaraang taon na ikinasawi ng 13 katao at 70 naman ang nasugatan.

Nabatid pa na ginawang base ng operasyon ng mga JI terrorist na gumagala sa Central Mindanao ang Cotabato City kung saan ang grupo ay pinamumunuan ng isang alyas Zulkipli.

Magugunita na ang No. 2 JI terrorist na si Taufek Refke ay nasakote sa Cotabato City noong nakalipas na Oktubre 3, 2003. Si Refke ay ikalawa sa puganteng si Indonesian terrorist Fathur Rohman Al Ghozi na napaslang sa shootout sa tropang gobyerno sa Pigkawayan, North Cotabato noong Oktubre 12, 2003.

vuukle comment

AL QAEDA

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

FATHUR ROHMAN AL GHOZI

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

INFANTRY DIVISION ASSISTANT CHIEF OF STAFF

JEMAAH ISLAMIYAH

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with