^

Probinsiya

NPA nanunog sa Bulacan

-
MALOLOS, Bulacan – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng heavy equipment na ginagamit sa quarrying ang sinilaban ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang pasukin ang quarry site sa Barangay Sulucan at Marungko, Angat, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Inamin naman ng grupong Kilusang Larangang Gerilya-Silangan Bulakan ng NPA ang naganap na panununog matapos na magreklamo sa kanila ang mga residente na nalalagay sa panganib ang kapaligiran.

Sinabi naman ni P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr. Bulacan provincial director na ang mga sinunog ay pawang backhoes na ginagamit ng mga illegal operator na hindi makapasa sa environmental standards ng lokal na pamahalaan sa paghahakot ng graba at buhangin sa ilog na sakop ng dalawang barangay.

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pangyayari maliban sa milyong ari-arian ang winasak ng mga rebelde. (Ulat ni James Mananghaya)

vuukle comment

ANGAT

BARANGAY SULUCAN

BIYERNES

BULACAN

FELIZARDO SERAPIO JR. BULACAN

INAMIN

JAMES MANANGHAYA

KILUSANG LARANGANG GERILYA-SILANGAN BULAKAN

NEW PEOPLE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with