^

Probinsiya

Ama pinatay ng sariling anak

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 54-anyos na ama ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mabuhay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Duguang bumulagta ang biktimang si Ramon Voluntarioso Sr., magsasaka, samantala, ang suspek na si Ramon Voluntarioso, Jr., 25, binata, walang trabaho ay agad naman sumuko sa pulisya matapos isagawa ang krimen dakong alas-4 ng hapon.

Sa impormasyon nakalap ng pulisya, namataan ng biktima ang kanyang anak na nakikipag-inuman kasama ang ilang kaibigan.

Tinungo ng ama ang kinaroroonan ng kanyang anak at pinagsabihan na umuwi na dahil sa lango na sa alak, ngunit nairita ang suspek dahil sa napahiya sa mga kaibigan.

Ayon pa sa pulisya, sinundan ng suspek ang kanyang ama sa kanilang bahay saka kinompronta hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at sigawan.

Dahil sa lango na ang suspek ay hindi nito inalintana na ama na niya ang pinaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MABUHAY

DAHIL

DUGUANG

ED CASULLA

ISANG

LEGAZPI CITY

RAMON VOLUNTARIOSO

RAMON VOLUNTARIOSO SR.

TINUNGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with