^

Probinsiya

18 katutubo na ni-recruit ng Pentagon sumuko

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao Umaabot sa labinwalong katutubo mula sa tribo ng Bilaans na pinaniniwalaang ni-recruit ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang iniulat na sumuko kamakalawa matapos nilang mapatunayan na ginagamit lamang sila sa modus operandi ng nabanggit na grupo.

Sa nakalap na ulat mula kay Army Major Julieto Ando, spokeman ng Army’s 6th Infantry Division, ang mga nagsisukong katutubo ay mula sa Brgy. Tandang sa Malugon, Saranggani.

Sinabi ng mga sumukong katutubo na ni-recruit sila ng Pentagon makaraang makumbinsi na maipagtanggol nila ang ancestral domain para mapanatili ang kanilang kultura at tradisyon.

Makaraan nilang mabatid na pawang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang nag-recruit sa kanila ay nagdesisyong sumuko upang ma-avail ang programang ibibigay ng gobyerno.

sinabi pa ng mga sumukong katutubo na ginagamit ng Pentagon ang kanilang barangay bilang kuta kapag may nabibiktimang mayayamang negosyante mula sa South Cotabato-Saranggani-General Santos area.

Isinuko rin ng mga katutubo ang mga armas na ibinigay sa kanila ng lider ng Pentagon. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

ARMY MAJOR JULIETO ANDO

BILAANS

BRGY

INFANTRY DIVISION

ISINUKO

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

MAKARAAN

MALUGON

SOUTH COTABATO-SARANGGANI-GENERAL SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with