^

Probinsiya

P1-M ari-arian tinupok ng apoy

-
CAMP CRAME – Tinatayang aabot sa P1-milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang tindahan ng paputok dahil sa sumabog na kuwitis kamakalawa ang hapon sa Jaro, Iloilo City.

Base sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, naitala ang sunog dakong ala-1:45 ng hapon sa tindahan ng paputok sa Rizal Street sa naturang lugar.

Napag-alaman pa sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na isang hindi kilalang lalaki ang nagsindi ng kuwitis sa waiting shed at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay tumama na nagresulta upang sumiklab ang mga panindang paputok.

Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang tindahan at nasunog din ang multi cab (SFB-573) na pag-aari ng Barangay Bito-on, Jaro ng naturang lugar.

Maliban sa nasunog na ari-arian ay nasugatan din ang isang sibilyang si Anne Fair Braga, 28 na ngayon ay ginagamot sa Western Visayas State University Hospital.

Nabatid pa sa ulat na naapula ang sunog bandang alas-dos ng hapon at walang iniulat na nasawi. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANNE FAIR BRAGA

BARANGAY BITO

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ILOILO CITY

JARO

MABILIS

MALIBAN

RIZAL STREET

WESTERN VISAYAS STATE UNIVERSITY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with