^

Probinsiya

2 pekeng NPA timbog sa kotong

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dalawang lalaki na nagpakilalang mga kasapi ng makakaliwang kilusan ang dinakip ng pulisya makaraang maaktuhang nangingikil ng P20,000 sa isang negosyante sa Barangay Abangan Norte, Marilao, Bulacan kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Eduardo Aguilar, 17, binata, traysikel drayber at Efren Ipapo, 26, binata at kapwa residente ng Barangay Saluysoy, Meycauayan, Bulacan.

Samantala, ang humingi ng tulong sa pulisya ay itinago sa pangalang Boni, 43, may asawa, negosyante ng Town and Country North Executive Village sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng pulisya, nagtungo ang dalawa sa bahay ng biktima para humingi ng revolutionary tax at kapag hindi nagbigay ay pinagbabantaang papatayin ang lahat ng miyembro ng pamilya nito.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng biktima sa pulisya ang pangyayari kaya naaktuhan ang mga suspek.

Narekober sa dalawa ang sulat na nagsasaad na humihingi ng revolutionary tax, itim na executive diary at traysikel (RJ-1534) na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY ABANGAN NORTE

BARANGAY SALUYSOY

BONI

BULACAN

DALAWANG

EDUARDO AGUILAR

EFREN ALCANTARA

EFREN IPAPO

KAAGAD

TOWN AND COUNTRY NORTH EXECUTIVE VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with