^

Probinsiya

Brgy.chairman inaresto sa lotto murder

-
Inaresto kahapon ng Antipolo City Police ang Brgy. Capt. ng San Jose ng Lungsod na ito dahil sa pagtatago ng armas na ginamit ng 10 suspek na nanloob at pumaslang sa P19M lotto winner kamakailan.

Kinilala ni P/Supt. Jose Dayco hepe ng Antipolo City PNP ang karagdagang suspek sa lotto-muder na si Brgy. Capt. Eduardo Lagasa.

Si Lagasa ay inaresto dahil sa pagtanggi nitong isuko ang shotgun na narekober habang tinutugis ang mga pumaslang sa biktimang si Arturo Eufemia na dating taxi-driver at naging instant millionaire nang mapanalunan ang P19M jackpot sa lotto.

Sinabi ni Dayco na isasailalim nila si Lagasa sa isang interogasyon upang matukoy ang lalim ng naging partisipasyon nito sa krimen at ang motibo nito sa pagtatago ng armas.

Samantala ay nagpahayag ng pangamba si Dayco sa nararanasang delay sa paglalapat ng hustisya para sa biktima dahil hindi pa nakakasuhan ang 10 naarestong suspek na sina Rolando Velasco, Samuel Guiba, Luisito Kaindoy, Aurelio Omega, Lito Aparico, Joselito Ros Borres, Eric Penalosa, Noel Pinoza, Francisco Areque at Renato Rasonado makaraang tanggihan ng piskalya ng Antipolo na i-inquest ang mga ito dahil sa selebrasyon ng All Souls Day.

Sinabi ni Dayco na ipinasundo pa niya ang piskal na naitalagang mag-inquest sa mga suspek pero tumanggi umano ito dahil wala pa umanong order. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALL SOULS DAY

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

ARTURO EUFEMIA

AURELIO OMEGA

BRGY

CAPT

DAYCO

EDUARDO LAGASA

ERIC PENALOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with