^

Probinsiya

Paslit patay sa shotgun ng 13-anyos

-
ILOILO CITY — Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang kinalawit ni kamatayan ang limang-taong gulang na batang lalaki makaraang aksidenteng tamaan ng bala ng shotgun sa leeg at ulo habang nanonood ng telebisyon sa kanilang bahay noong Biyernes ng gabi sa Barangay Malusgod, Pototan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Darwin Gergos, anak ni PO3 Celedonio Gergos Jr. na nakatalaga sa Mina police station, samantala, ang suspek na 13-anyos ay itinago sa pangalang "Jojo".

Si Jojo ay katulong sa bahay ng pamilya Gergos at sa tuwing sasapit ang dilim ay hawak na nito ang shotgun kapag natutulog sa sala.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-9 ng gabi matapos na hindi mapansin ni Jojo ang kadena na kanyang nasiko na nagresulta upang pumutok ang shotgun.

Tinamaan naman ang biktima na kasalukuyang nanonood ng TV sa sala ng kanilang bahay.

Napag-alaman pa na si Jojo ay kinuhang bantay sa bahay ng pamilya Gergos at tinuruang humawak ng shotgun dahil sa walang naiiwang tao sa bahay kapag naka-duty si P03 Celedonio Gergos Jr. (Ulat ni Leo Solinap)

vuukle comment

BARANGAY MALUSGOD

BIYERNES

CELEDONIO GERGOS JR.

DARWIN GERGOS

GERGOS

JOJO

KINILALA

LEO SOLINAP

NAPAG

SI JOJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with