Trader tinodas habang dyumi-jingle
May 5, 2002 | 12:00am
RIZAL, Nueva Ecija Isang 47-anyos na negosyante ang kumpirmadong nasawi makaraang saksakin at barilin ng nairitang lalaki dahil sa pag-jingle ng biktima sa tagiliran ng dyip sa labas ng videoke bar sa Brgy. Caloocan District sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Si Fernando Barrera, may asawa ng Brgy. Poblacion Centro ay lango sa alak nang undayan ng saksak at barilin ng suspek na si Paulo Tome, 38 ng Brgy. San Gregorio ng naturang lugar na ngayon ay nakakulong sa PNP detention cell.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Raul Bacalzo, Nueva Ecija police provincial director, naganap ang pangyayari bandang alas-11:30 ng gabi makaraang lumabas ang biktima sa videoke bar upang jumingle ngunit nairita ang suspek na nagpapahinga dahil sa inakalang binabastos siya kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended