^

Probinsiya

Pentagon nangidnap uli; anak ng trader,1 pa ang dinale

-
CAMP AMANDO DUMLAO, Sultan Kudarat — Muli na naman bumanat ang grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom gang makaraang dukutin ang isang anak ng milyonaryong negosyante at kaibigan nito noong Abril 23 ng hapon habang patungo sa Davao City.

Kinilala ni P/Supt. Abubakar Mangelen, Sultan Kudarat PNP director, ang dalawang kinidnap na biktima na sina Noel Bernardo, 35, ng Tacurong City at Tong Allado, kaibigan ni Bernardo.

Ayon kay Mangelen, si Bernardo ay asawa ng banker/contractor at anak ng may-ari ng Palm oil plantation.

Bayaw ni Bernardo si Tacurong City Vice Mayor Junald Lagon, samantala, si Allado ay pansamantalang bineberipika ang pagkatao.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagpaalam si Bernardo sa kanyang pamilya noong Abril 23 ng hapon kasama ang kaibigang si Allado na pupunta ng Davao City lulan ng kanyang Isuzu pick-up.

Subalit sa kasalukuyan ay hindi pa bumabalik hanggang sa matagpuan ang sasakyan ng mga biktima sa gilid ng kalsada sa bayan ng Dalican, Maguindanao na pinagpupugaran ng grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom gang.

Kaagad naman ipinarating ni Barangay Chairman Sinsuat Pendatun noong Miyerkules, Abril 24 ang pangyayari kay Army’s Lt. Col. Edcel Soriano ng Task Force Kutawato, ang ulat na natagpuan ang ginamit na pick-up ni Bernardo.

May palagay ang mga awtoridad na hinarang ng Pentagon ang sasakyan ng mga biktima saka dinukot at iniwan ang sasakyan sa nabanggit na lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito ay ayaw munang makipag-ugnayan ang pamilya ni Bernardo sa mga awtoridad sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Boyet Jubelag)

vuukle comment

ABRIL

ABUBAKAR MANGELEN

ALLADO

BARANGAY CHAIRMAN SINSUAT PENDATUN

BERNARDO

BOYET JUBELAG

DAVAO CITY

EDCEL SORIANO

NOEL BERNARDO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with