^

Probinsiya

16 anyos hinalay ng 2 pulis

-
TACLOBAN CITY – Halinhinang ginahasa ang isang 16-anyos na babae ng tatlong kalalakihan kabilang na ang dalawang kagawad ng pulisya noong nakaraang Enero 31 ng hatinggabi sa Brgy. Polangi, Calbiga, Samar.

Luhaang dumulog sa Calbiga Samar police station ang biktimang itinago sa pangalang Jean at residente ng nabanggit na barangay may 50 kilometro ang layo mula sa naturang lungsod.

Kinilala ng biktima ang dalawang suspek na pulis na sina Police Officer Alex Samar at PO1 Boyet Orsal na kapwa nakatalaga sa Police Regional Mobile Group-8.

Sa ibinigay na testimonya ng biktima, na isang Judy Samar, alyas "Aka" ang kasama ng dalawang suspek na pulis ang sunud-sunod na humalay sa kanya bandang alas-12 ng hatinggabi sa nabanggit na barangay.

Ipinag-utos naman kahapon ni P/Chief Supt. Nardito Yoro, PNP regional director sa Regional Investigation and Intelligence Division ng PRO-8 na magsagawa ng masusing imbestigasyon laban sa dalawang pulis na sangkot sa panggagahasa.

Pinabulaanan naman ng dalawa ang akusasyon ng biktima. (Ulat ni Miriam G. Desacada)

vuukle comment

BOYET ORSAL

BRGY

CALBIGA SAMAR

CHIEF SUPT

JUDY SAMAR

MIRIAM G

NARDITO YORO

POLICE OFFICER ALEX SAMAR

POLICE REGIONAL MOBILE GROUP

REGIONAL INVESTIGATION AND INTELLIGENCE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with