^

Probinsiya

2 holdaper todas sa pakikipagbarilan sa pulis

-
ROSARIO, Cavite – Dalawang armadong lalaki na pinaniniwalaang mga holdaper ang iniulat na napatay ng pulisya makaraang makipagbarilan ang una makaraang pagnakawan ang mga pasahero sa isang jeep sa kahabaan ng Gen. Trias, Drive St., Brgy. Tejero ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang isa sa dalawang holdaper na si Lou Resurrecion ng Caloocan City habang ang kasamahan nito ay kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, hinoldap ng mga suspek ang isang pampasaherong jeep na may plakang DVY-741 na minamaneho ni Virgilio Amon dakong alas 6:50 ng gabi sa panulukan ng Hacienda Ibaba ng naturang lugar.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, namataan ng mga tauhan ni P/Chief Inps. Pablo Zorillo ang pampasaherong jeep na nagkakaroon ng kaguluhan kaya kaagad na nagresponde.

Agad naman namataan ng mga holdaper ang mga nagrespondeng pulis kaya mabilis na nagpaputok subalit gumanti ang grupo ni Zorilla na ikinasawi naman ng mga holdaper. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CHIEF INPS

CRISTINA GO-TIMBANG

DRIVE ST.

HACIENDA IBABA

LOU RESURRECION

MADING SARMIENTO

PABLO ZORILLO

VIRGILIO AMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with