^

Probinsiya

City treasurer, 4 pa dedo sa ambus

-
Lima katao kabilang ang isang city treasurer at police security escort nito ang iniulat na nasawi habang dalawa pang sibilyang bystanders ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Marawi City.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo at Camp Crame, masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ang mga salarin ay mula sa grupo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na gumagala sa nasabing lungsod.

Nakilala ang mga nasawi na sina Macapagal Macalaba, treasurer ng Marawi City, police escort nitong si PO1 Montaser Sultan, Muda Malaco, driver, Ranao Banto, bodyguard at isang bystander na si Anwar Abdulrahim.

Nahagip naman ng ligaw na bala sa ambus ang mga sibilyang sina Jamal Komunug, car washer at isang hindi pa nakikilalang babae na kapwa nasugatan sa insidente.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na si Macalaba kasama sina PO1 Sultan, Malaco at Banto kasama ang isa pang di tinukoy ang pangalang escort nito ay lulan ng Mazda pick-up na kulay-asul at may plakang KBY-308 patungo sa kalapit na Mapandi hospital nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.

Kasalukuyan umanong binabagtas ng grupo ni Macalaba ang kahabaan ng Marcos Boulevard, may sampung metro ang layo mula sa isang tulay sa Marawi City dakong alas-7:30 ng umaga nang harangin ang mga ito ng isang grupo ng mga hindi nakikilalang kalalakihan na pawang armado ng M14 at M16 rifles.

Bago mangyari ang pananambang ay galing ang grupo ni Macalaba sa bahay nito sa Madaya Lilod sa nasabing lungsod. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANWAR ABDULRAHIM

CAMP AGUINALDO

CAMP CRAME

JAMAL KOMUNUG

JOY CANTOS

MACALABA

MACAPAGAL MACALABA

MADAYA LILOD

MARAWI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with