^

Probinsiya

Nambato ng bahay, kinatay ng kapitbahay

-
CATANAUAN, Quezon – Nagmistulang karne ang katawan ng isang manggagawa ng silya makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay dahilan sa pambabato ng una sa bahay ng huli sa Barangay 4 sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakilalang si Danilo Portin,38, samantalang boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang suspect na si Nestor Natividad, 40 , mananahi at kapwa residente sa naturang lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi ay tahimik na nanonood ng telebisyon ang suspect ng ito ay gulantangin ng sunod-sunod na malalakas na bagsak ng bato sa bubungan ng kanyang bahay.

Sumungaw ito sa bintana at nakita ang biktima na may hawak pang bato at akma muling ipupukol sa kanyang bahay.

Pinakiusapan umano ng suspect ang biktima na tigilan na ang pambabato, subalit imbis na tumigil ay binato pa ng biktima ang mukha ng suspect.

Dahil sa galit ay pumunta sa kusina ng kanyang bahay ang suspect at kinuha ang isang jungle bolo. Mabilis itong nanaog ng bahay at saka inundayan ng taga ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BATAY

DAHIL

DANILO PORTIN

MABILIS

NAGMISTULANG

NESTOR NATIVIDAD

PINAKIUSAPAN

QUEZON

SUMUNGAW

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with