^

Probinsiya

Binata nagbaril sa harap ng syota, todas

-
CAINTA, Rizal – Isang 21-anyos na binata ang nagbaril sa ulo sa harap mismo ng kanyang kasintahan at tatlong kaibigan sa loob mismo ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Nakilala ang nasawi na si Jomel Arme, ng Karangalan Village, Cainta. Isinugod ito sa Sto. Niño Hospital ngunit hindi na umabot pang buhay dahil sa tama ng bala sa kanyang sentido.

Ayon kay SPO4 Arandani Abalos, isa pang palaisipan sa kanila ang sanhi ng pagpapakamatay nito dahil sa wala umanong malaking problema ang biktima ayon sa mga magulang nito.

Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nag-uusap ang magbabarkada sa sala ng bahay dakong alas-12 ng gabi nang bigla na lamang umanong maglabas ang biktima ng baril at paputukan ang sariling ulo.

Hindi din inaalis ng pulisya ang anggulong foul play dahil sa nawawala ang ginamit na baril sa umano’y isinagawang pagpapakamatay.

Isasailalim pa ng pulisya sa awtopsiya at paraffin test ang bangkay ng biktima upang maliwanagan ang insidente.

Ipatatawag rin ni Abalos ang kasintahan ni Arme at mga kaibigan nito upang makuhanan ng kanilang salaysay ukol sa kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABALOS

ARANDANI ABALOS

AYON

CAINTA

DANILO GARCIA

IPATATAWAG

ISANG

ISASAILALIM

JOMEL ARME

KARANGALAN VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with