^

Police Metro

AFP: Chinese bomber plane namonitor sa Luzon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong sightings ng Chinese bomber plane malapit sa karagatan ng Luzon o 170 nautical miles mula sa Metro Manila.

Ayon kay AFP Spokesman for West Philippine Sea (WPS) ret. Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, isang Chinese H-6 strategic bomber ang nakita sa WPS na kanilang minonitor.

Sinabi ni Trinidad na ang nasabing bomber plane ay nasa 170 nawtikal na milya mula sa Metro Manila, na pinakamalapit na narating sa baybayin ng Pilipinas at sa kaniyang palagay ay nasa 45 nawtikal na milya ito.

 “It only shows that the PLA (People’s Liberation Army) is now flexing its muscles. Sa baka dati-rati ang mga patrols niya were closer to the mainland of China”, anang WPS Spokesman pero ngayon aniya ay umaabot na sa baybayin ng bansa.

Sa kabila naman ng pagiging malapit ng naturang mga bomber plane ay wala aniyang dapat na ipag-alala dahilan wala naman aniyag indikasyon na nagsasanay ang natu­rang mga eroplano para sa isang pag-atake gamit ang missile.

Idinagdag pa ng opis­yal na  nagawa nang i-modernisa ng AFP ang kanilang kapabilidad ng depensa hanggang sa puntong kaya nilang i-monitor ang ganitong mga sasak­yang panghimpapawid bago pa ito pumasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Sa tala ang Pilipinas at China gayundin ang iba pang mga bansa ay matagal ng may alitan sa agawan ng teritoryo sa WPS.

CHINESE BOMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with