^

Police Metro

Anak pinatay sa lamay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na lalaki ang binaril at napatay sa lamay mismo ng kanyang tatay, naganap nitong Biyernes sa  Barangay 92, Apitong, Tacloban City.

Ang biktima ay kinilalang si alyas “Jason”, glass installer na idineklarang patay alas-5:49 ng umaga sa Tacloban City Hospital, o ilang oras matapos ang pamamaril sa kanya.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Garry”, 26, residente ng Tacloban City na naaresto sa follow-up operation ng pulisya.

Batay sa ulat, naglalamay ang pamilya ng biktima dahil sa yumao nilang ama nang bigla na lamang magkaroon ng sunog sa likod na bahagi ng bahay ng mga ito.

Sinubukang apulahin ng mga miyembro ng pamilya at mga nakiki­paglamay ang sunog nang makarinig ng dalawang putok ng baril.

Dito nila nakita ang biktima na bumulagta sa  lupa kasabay nang pagtakas ng suspek.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Police Station 1 ng Tacloban City Police Office na nagsagawa ng pagtugis at naaresto ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng pamamaril ng suspek sa biktima.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with