^

Police Metro

18 katao sugatan sa fireworks display

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang labingwalo katao matapos na aksidenteng sumabog ang ilang fireworks sa pagbubukas ng ‘Christmas Festival of Lights 2026” sa Tangub City, Misamis Occidental nitong Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Corcord Paul Ramas Jr., 27; nobya nitong si Jhe Marie Rio, 24; Reymar Jay Billeta, 18; Wendel Degamo, 33 at iba pa na pawang isinugod sa pagamutan.

Sa ulat ng Tangub City Police, nangyari ang pagsabog, alas-8:00 ng gabi sa grand opening ng nasabing festival na tradisyunal na inoobserbahan sa Tangub City.

Kasalukuyan umanong nanonood sa fireworks display ang mga biktima nang biglang sumabog ang fireworks sa mga nanonood sa nasabing  mga pailaw na ikinasugat ng 18 katao.

Namahagi ang pamahalaang lungsod nitong Linggo ng pinansyal na tulong sa mga nasugatang biktima para sa pagpapagamot sa tinamong mga sugat sa katawan.

FIREWORKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with