^

Police Metro

Debris ng China rocket, naispatan sa Palawan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang mga naispatang debris sa karagatan ng Puerto Princesa City at liwanag sa kalangitan ay mula sa paglulunsad ng China Long March 12 rocket noong Sabado, Oktubre 10, 2026, ayon sa ulat kahapon kaugnay nang mahigpit na monitoring ng Philippine Navy.

Dahil sa pinaghihinalaang rocket trail, nagbabala naman ang Philippine Navy sa publiko na iwasang lumapit sa posibleng debris ng rocket dahilan nagtataglay ito ng toxin o nakalalasong kemikal na peligroso sa kalusugan.

Sa ulat ng Philippine Navy West Naval Command kahapon, idinokumento ang akibidad bilang bahagi ng mahigpit na pagmo-monitor sa pagbagsak ng debris ng inilunsad na rocket ng China.

Nabatid na alas-3:37 ng madaling araw noong Sabado ay naispatan ng mga Navy personnel ang kulay pulang red trail sa himpapawid sa hilagang kanluran patungo sa katimugang silangan sa lugar kung saan 44 segundo itong namasdan sa kalawakan bago tuluyang naglaho matapos na magkapira-piraso ang debris.

Maging ang mga personnel sa Tubbataha Reef Natural Park ay namasdan din ang malakas na tunog at tila pagsabog nito sa kalawakan na nasundan pa ng tatlong beses na mahihinang pagsabog.

PHILSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with