^

Police Metro

Power firms na balak magtaas ng singil dahil sa ‘Super El Niño’, binalaan

Malou Escudero - Pang-masa
Power firms na balak magtaas ng singil dahil sa ‘Super El Niño’, binalaan
Ito ay matapos magpalabas ng babala ang Department of Energy (DOE) at iba’t ibang electric cooperatives ukol sa inaasahang pagtaas ng singil sa kuryente at mga rolling blackout.
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Binalaan ni Senador Erwin Tulfo, chairmn ng Senate Committee on Energy ang mga mga power companies na magbabalak ng hindi makatarungang singil sa kuryente o pagbibigay ng substandard na serbisyo sa gitna nang matinding panahon tulad ng “Super El Niño’”.

Ito ay matapos magpalabas ng babala ang Department of Energy (DOE) at iba’t ibang electric cooperatives ukol sa inaasahang pagtaas ng singil sa kuryente at mga rolling blackout.

“Inaasahan naman talaga na apektado ang presyo at suplay ng kuryente dahil sa epekto ng demand, pero kinakailangang maging makatarungan at makatwiran ang anumang pagtaas ng presyo. Hindi ito dapat basta-basta na magdadagdag sa mabigat na pasaning pinansyal ng mga pamilyang Pilipino araw-araw,” pahayag ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo na hindi siya magdadalawang-isip na imbestigahan ang mga power generation companies o distribution utilities na aabuso sa climate crisis na ito upang magpalaki ng kanilang kita.

Hinimok din ni Tulfo ang DOE at ang Energy Regulatory Commission (ERC) na protektahan ang mga konsyumer hindi lamang laban sa mapagsamantalang pagpepresyo kundi maging sa nagbabadyang pagtaas ng singil sa kuryente at mga pagbaba ng supply.

Aniya, karapatan ng publiko na malaman kung bakit tumataas ang kuryente at bakit nagbabago ang serbisyo at habang pinaghahandaan ng bansa ang krisis sa klima ay dapat unahin ng energy sector ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa labis na kita ng mga kompanya.

Idinagdag pa ni Tulfo na pananagutin ang sinumang magtatangkang umabuso sa epekto ng El Niño’.

KURYENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with