^

Police Metro

15 patay, 6 missing sa landslide

Angie dela Cruz, John Unson - Pang-masa

Sa Sarangani at Lanao del Sur…

MANILA, Philippines — Labinlimang katao ang nasawi, habang 6 ang nawawala sa magkahiwalay na insidente ng landslide sa lalawigan ng Sarangani at Lanao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Malapatan municipal information office ng lalawigan ng Sarangani, alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang landslide sa Sitio Pandao, Brgy. Poblacion Malapatan.

Natabunan ang isang bahay na may nakatirang dalawang pamilya na kung saan ay nasawi ang sampung katao.

Nasa 100 pamilya naman ang nailikas kahapon dahil sa baha at pansamantalang nakasilong sa evacuation center.

Limang katao ang naiulat na nasawi nang matabunan ng lupa ang kanilang mga bahay sa landslide sa Barangay Ngingir, Calanogas, Lanao del Sur.

Ayon kay Calanogas Municipal Disaster Risk Reduction and Manage-ment Office at spokesper-son ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, Capt.Steffie Salanguit, na ang landslide ay dulot ng walang tigil na buhos ng ulan dulot ng Super Typhoon Inday na nagpalambot sa lupa dahilan para matabunan ng bato at putik ang mga bahay sa lugar.

Narekober naman ang limang bangkay na natabunan ng lupa na sina Norhana Ali, Akmad Camar, Naifa Mansawi, Juhary Muhshin, at Norhaya Camar. Nasa anim katao pa ang nawawala.

Nakaranas nang malalakas na pag-ulan ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng bagyong Inday.

LANDSLIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with