^

Police Metro

Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom bumaba sa Q3 2023

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pinakabagong survey ng  Social Weather Stations (SWS) ay bumaba sa 9.8 porsyento ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary” sa third quarter ng taon.

Napag-alaman din sa Sept. 28 to Oct. 1 poll na mas mababa ang hunger incidence sa nakalipas na tatlong buwan kumpara sa 10.4 porsyentong ­naireh­­istro­ sa ikalawang quarter at parehong 9.8 porsyento sa unang quarter.

Base sa SWS, binubuo ang September 2023 hunger figure ng 8.4 porsyento ng respondents na nagsabing nakaranas sila ng moderate hunger at 1.3 porsyentong nakaranas ng severe hunger.

Hanggang nitong September 2023, pinakamataas ang pagkagutom sa Metro Manila sa 17.3 porsyento mula sa 15.7 porsyento noong June 2023, sinundan ng Balance Luzon sa 10.3 porsyento mula 11.3 porsyento, Visayas sa 6.7 porsyento mula sa 9.3 porsyento, at Mindanao sa 6.7 porsyento mula 6.3 porsyento.

Anang SWS, bumaba ang rate ng overall hunger sa self-rated poor mula 10.8 porsyento noong June 2023 sa 7.7 porsyento nitong September 2023, maging­ sa self-rated food-poor mula 9.4 porsyento sa 7 porsyento.

Makikita sa September survey na 48 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay “poor,” 27 porsyento ang nagsabing sila ay “borderline poor,” at 25 porsyento ang “not poor.”

Lumahok sa nasabing survey ang 1,200 adult respondents at may margin of error na plus or minus 2.8 percent para sa national percentages.  

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with