^

Police Metro

Chinese, 3 pa tiklo sa ‘SIM cards scamming’

Danilo Garcia - Pang-masa
Chinese, 3 pa tiklo sa �SIM cards scamming�
Sa ulat, ikinasa ang ­operasyon nitong ­Nob­yembre 15 sa may ­Nicanor Padilla Street, San Miguel, Manila ng mga ope­ratiba ng Regional Special ­Ope­rations Group (RSOG) sa koordinasyon ng National­ Telecommunications Commission (NTC).
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national at tatlong Pilipino na huli sa akto na nagbebenta ng mga SIM cards na gamit­ sa online scamming sa ikinasang buy-bust ope­ration ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Maynila kamakailan.

Sa ulat, ikinasa ang ­operasyon nitong ­Nob­yembre 15 sa may ­Nicanor Padilla Street, San Miguel, Manila ng mga ope­ratiba ng Regional Special ­Ope­rations Group (RSOG) sa koordinasyon ng National­ Telecommunications Commission (NTC).

Bunsod ito ng impormasyon na ipinarating sa kanila ukol sa iligal na aktibidad sa distribusyon at pagbebenta ng mobile phone devices nang walang kaukulang permits mula sa NTC.

Nagbebenta rin ang mga suspek ng “pre-registered SIM cards” na napupunta sa mga sindikato o kumpanya na sangkot sa online scamming at iligal na Phili­p­pine­ Offshore Gaming Operators (POGO).

Unang nagkasa ng test buy nitong Nobyembre 7 na nagpositibo sa mga iligal na ibinibenta ng 88 XINY Tech store na hindi rin rehistradong mobile phone dealer.

Dito na nagkasa ang pulisya ng buy-bust ­ope­ration na nagresulta sa pagkakadakip kina Li Peng alyas “Devin Li,” Chinese national; at mga Pilipinong sina Anelyn­ Cabiling; ­Rachelle Bufete; at Antonnette Hernandez.

Nakumpiska sa apat ang 325 piraso ng mga brand new at 2nd hand na cellphones; at dalawang piraso ng P1,000 bill na ginawang marked money­ kasama ang boodle money.

vuukle comment

NCPRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with