^

Police Metro

114 dayuhang sex offenders, napigilan ng BI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napigilan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng Pilipinas sa pag-uumpisa ng taong 2023 ang nasa 114 dayuhang sex offenders para malabanan ang lumalalang sex crimes partikular sa mga kabataang Pilipino.

Nabatid na magkakasunod na nasabat kamakailan ng immigration officers ang pagpasok ng limang sex offenders sa mga internasyunal na paliparan sa Davao, Cebu at sa Ninoy Aquino International Airport.

Nitong Agosto 30 ay nasabat  sa Davao International Airport (DIA) ang American national na si David Laursen, 55; noong Agosto 31 ang British na si Antonio Stephen Albert Costa, 58, sa Mactan Cebu International Airport (MCIA); noong Setyembre 1 naman ang Amerikanong si Benancio Vasquez, 57 sa MCIA rin; Setyembre 4 ang American na si Troy Delbert Houk; at nitong Setyembre 5 ang Amerikanong si Kevin Crispe.

Natukoy na ang lima ay mga sex offenders sa ka­ni­lang mga bansa at na-convict na sa mga kasong kanilang kinakaharap ngunit nagtangkang takasan ang batas.

vuukle comment

SEX OFFENDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with