Number coding suspendido sa Labor Day
MANILA, Philippines — Suspendido ngayong araw ang pinalawak na number coding scheme.
Ginawa ang suspensiyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang bigyan daan ang pagdiriwang ng Labor Day na isang regular holiday sa bansa.
“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Miyerkules, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day (The implementation of expanded number coding scheme is suspended on Wednesday, May 1, Labor Day),” saad ng MMDA sa isang advisory.
Ang scheme, na pormal na kilala bilang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), ay nagbabawal sa mga sasakyan sa EDSA at iba pang mga lansangan sa National Capital Region isang araw sa isang linggo mula 7 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m., depende sa huling numero ng kanilang plaka.
- Latest