^

Police Metro

Traffic enforcer itinumba ng tandem

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang traffic enforcer nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nagmamando ng trapiko sa Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Edgar Domingo, nasa hustong gulang, traffic enforcer ng Bacoor City, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng gabi ay kasalukuyang nagma­mando ng trapiko ang biktima sa Brgy. Talaba IV, intersection ng Zapote Kalinisan Road nang dumating ang isang motor sakay ang 2 suspek at sunud-sunod na pinagbabaril  ang biktima.

Nang masigurong napatay ang biktima ay tumakas ang mga ito sakay ng itim na Honda Air Blade na motor. 

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with