^

Police Metro

Sim Card Registration Bill pipirmahan ni Bongbong Marcos sa Lunes

Malou Escudero - Pang-masa
Sim Card Registration Bill pipirmahan ni Bongbong Marcos sa Lunes
Subscriber identity module (SIM) cards.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacañang sa Lunes upang ganap na maisabatas ang SIM (subscriber identity mo­dule) Card Registration Bill na naipasa sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Nauna rito inihayag ni Executive Secretary Luis Bersamin kamakailan na malaki ang tsansa na  lagdaan ng Punong Ehekutibo ang nasabing panukalang batas.

Layunin ng panukalang SIM Card Registration bill na hindi na magamit sa krimen ang mga hindi rehistradong sim cards at masawata ang pagpapadala ng mga spam messages sa mga subscribers at mga panloloko sa pamamagitan ng cellular phone.

Sa sandaling ma­lagdaan ng Pangulo ang naipasang bill sa Kongreso, magiging madali na ang pagtukoy sa mga masasamang loob na nasa likod ng mg text scams at online messaging dahil obligado na ang lahat na irehistro ang kanilang SIM cards sa mga mobile networks.

vuukle comment

SIM CARD BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with