^

Police Metro

3 Chinese dakip sa P3.4 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang tatlong Chinese national matapos ang ­ilang minutong habulan sa pagitan ng mga ito at PDEA 4-A, kamakalawa ng hapon sa Malvar, Batangas.

Kinilala ang tatlong nasakoteng suspek na sina alyas Yanxing; alyas Yang; at alyas Zen.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:45 ng hapon nang makatanggap ng report ang pulisya mula sa ­ilang residente ng Lynville 2 Subdivision ng Brgy. Santiago, Malvar, Batangas na may nagaganap umanong barilan sa kanilang lugar.

Sa pagresponde ng mga pulis ay napag-alaman na may nagaganap na engkuwentro sa pagitan ng PDEA 4-A at tatlong  Chinese.

Tumakas ang mga suspek kaya’t ito ay hinabol hanggang sa makorner ang mga suspek na sakay ng Audi Sedan (UKI 519) sa Km75 + 100 Southbound Star tollway.

Isa sa mga suspek ay itinakbo sa pagamutan hinggil sa nagtamo ito ng tama ng bala sa kanang kamay.

Narekober ng pulisya ang isang brown paper bag na naglalaman ng shabu na may timbang na mahigit sa 500 gramo ng shabu na may halagang  P3,400,000.00 mil­yong piso, 4 cellphone at ang sasakyang ginamit.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with