Para mabuksan ang financial record ng PRC Malacañang pwedeng lumapit sa korte
MANILA, Philippines — Upang pilitin ang Philippine Red Cross (PRC) na buksan at isumite ang kanilang financial records ay iginiit kahapon ni Presidential legal counsel Salvador Panelo na maaaring lumapit sa korte ang Malacañang.
Ito ay makaraan na sabihin ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque na nabigo ang PRC na isumite ang financial records kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagsisilbing ‘honorary president’ ng organisasyon.
“For one, kung hindi kusa magbigay ng report, we can go to court to compel them to comply with what the law asks them to do,” saad ni Panelo sa panayam.
Idinagdag pa ni Panelo na kung sa loob ng limang taon na hindi pa rin kumilos ang PRC na isumite ang kanilang financial records ay mayroon silang paglabag.
Una nang nagbanta si Duterte na ipahihinto ang lahat ng transaksyon ng pamahalaan sa PRC habang nagsasagawa naman si PRC Chairman at Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa pagbili ng medical supplies para sa pandemya ng Department of Health (DOH).
- Latest