^

Police Metro

Ayaw kumain…7-anyos patay sa bugbog ng tatay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Ayaw kumain�7-anyos patay sa bugbog ng tatay
Ang biktima na nasawi habang dinadala sa Taguig-Pateros District Hospital ay nakilalang si Johncel Pedriguez, residente ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang Hari, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos itong bugbugin ng ama na nainis dahil ayaw nitong kumain naganap sa loob ng kanilang bahay sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nasawi habang dinadala sa Taguig-Pateros District Hospital ay nakilalang si Johncel Pedriguez, residente ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang Hari, Taguig City.

Agad namang naaresto ang suspek na si Arnold Perdiguez, 28 at kinasuhan ng parricide at ikinatuwiran na dinidi­siplina lang niya ang anak.

Sa imbestigasyon ng Taguig Police Station, dakong alas-9:00 ng gabi nang tumatanggi umano ang bata sa mga subo habang pinapakain ng ama na ikinagalit ng ama at pinilit pang subuan bago pinagsusuntok sa ulo at katawan.

Bandang alas-4:34 ng madaling araw nang mapansin na ang kakaibang hitsura ng anak kaya isinugod ng mag-asawa sa nasabing ospital suba­lit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with