^

Police Metro

Habambuhay sa mga hacker

Rudy Andal - Pang-masa

Bagong batas nilagdaan ni Duterte...

MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkakulong at may multang ma­aaring umabot sa P5 milyon ang ipapataw na kaparusahan ng korte sa sinumang mapapatunayan na nag-hack ng banking system sa bansa.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No.11449 na magpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa itinakda ng Access Devices Regulation Act of 1998.

Kaya’t isa nang heinous crime ang paggamit ng access devices para makapandaya gaya ng pangha-hack sa sistema ng bangko gayundin ang skimming ng credit at payment cards na maihahanay na sa economic sabotage.

Kaparehong parusa rin ang kakaharapin ng mga nasa skimming o pagkopya ng bank details at pagnakaw ng laman ng hindi bababa sa 50 payment cards, credit cards, debit cards at online banking accounts.

Habang, 6 hanggang 20 taon na pagkakulong ang naghihintay sa mga nandaraya ng credit cards at iba pang access devices habang may kaukulang multa rin na doble ng halagang nanakaw mula sa access devices ang itinatakda ng nasabing batas na nalagdaan ni Pangulong Duterte nitong nakalipas na Agosto 28, subalit kahapon lamang inilabas ang kopya.

vuukle comment

HACKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with