^

Police Metro

Pulis utas sa New People’s Army ambush

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
Pulis utas sa New People�s Army ambush
Ang bangkay ni SPO3 Juje Totanes Razo, ng Pilar Police Station matapos na siya ay pagbabarilin ng tatlong lalaki na miyembro ng liquidation squad ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa national highway ng Brgy. Marifosque, Pilar, Sorsogon.
Jorge Hallare

MANILA, Philippines — Namatay noon din si SPO3 Juje Razo, 52 ng Pilar Municipal Police Station nang ito ay harangin at pagbabarilin ng tatlong lalaki na pinaniniwalaan mga miyembro ng liquidation squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa Brgy. Marifosque, Pilar, Sorsogon.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga kahahatid pa lang ng kanyang anak sa eskwelahan at lulan ng kanyang motorsiklo patungo na rin sana sa Pilar Police Station upang mag-duty ang naka-unipormeng biktima nang parahin ng tatlong mga armado na nag aabang sa daan.

Agad itong pinagbabaril sa kung saan nahulog ito sa kanyang motorsiklo at patiha­yang bumulagta sa tabi ng kalsada. Makaraang masiguro na patay na ang biktima ay agad tumakas ang mga rebelde sa bulubunduking lugar ng barangay.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with