MRT 3 nakatanggap ng bomb threat sa email
MANILA, Philippines — Kaya pinaigting ang seguridad sa lahat ng istasyon ng tren sa MRT 3 ay nakatanggap ang management ng bomb threat sa email noong nakalipas na buwan.
Ito ang ibinulgar kahapon ng management ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3 ) kaya’t naging mahigpit ang kanilang seguridad at ipinatupad ang pagdadala ng bottled water at iba pang likidong inumin matapos ang magkasunod na pagsabog noong Enero 27 sa isang katedral sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 23 katao habang mahigit pa sa 100 ang nasugatan.
Ayon sa MRT 3, natanggap nila ang nasabing email noon pang Enero 3 kaya agad na nakipagkoordinasyon sa mga otoridad partikular na sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP- CIDG) upang matukoy kung sino ang sender ng mapanakot na email na ipinadala sa kanilang tanggapan.
Kahalintulad namang paghihigpit ang ipinatupad sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT).
Nilinaw naman ni Michael Capati, Operations Manager ng MRT 3 na maari pa ring madala sa loob ng tren ang ilang likidong items tulad ng gatas ng feeding bottle na may lamang gatas at iba pa na gamit ng mga maysakit basta inaprubahan ito ng security personnels at mga pulis na naka-standby sa bawat istasyon ng tren.
- Latest