^

Police Metro

5 nalunod sa Cavite at Pangasinan

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang katao ang naiulat na nalunod sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite at Pangasinan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang malunod ang 9-anyos na si Manny Viertudes habang ito ay naliligo kasama ang ilang kaibigan sa isang irrigation canal na matatagpuan sa Sitio Pulcena, Brgy. Pinagtipunan, Gen. Trias, Cavite.

Nalunod naman sa swimming pool ng isang resort na matatagpuan sa Brgy. Panamitan, Kawit, Cavite ang 50-anyos na si Lito Romero Velasquez, may-asawa, residente ng Blk. 2, Lot 3, Sunset Meadows, Brgy. Gahak ng nasabing bayan. Sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi masayang nag-outing ang biktima kasama ang pamil­ya nito sa Josephine Water Camp Resort.

Ang biktima ay pumunta sa lalim na 5 feet nang bigla na lamang itong mawala.

Nasagip naman ito ng duty lifeguard  at binigyan ng paunang lunas, subalit hindi na rin ito nailigtas kaya’t itinakbo sa  malapit ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa Pangasinan, tatlo katao naman ang nasawi kabilang ang dalawang estudyante matapos na malunod sa magkakahiwalay na insidente. Ang unang insidente ay naitala dakong alas – 4:20 ng hapon  nang malunod ang mga biktimang sina  John Renz Delizoo,16,1st year college at kasambahay na si Judy de la Cruz, 18, sa   swimming pool sa ibaba ng NIA Dam na matatagpuan sa Bgy. Narra, San Manuel  ng lalawigan. Bandang alas- 4:30 naman ng hapon nang sumunod na malunod si Josephine De Leon, 14, sa Agno River.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with