^

Police Metro

1,000 bahay nasunog sa kwitis

Ludy Bermudo at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot sa 1,000 kabahayan ang nilamon ng apoy habang isa ang nasawi sa naganap na sunog matapos na tamaan ng kwitis na sinindihan matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Danilo Francisco 45 ng Int. 57, Raxabago St. Tundo.

Nabatid na 3,000 pa­milya ang nawalan ng tirahan matapos umakyat ang sunog sa general alarm na pawang residente ng Barangay 155 at Barangay 160, sa District 2, Tondo, na nasa erya ng Dagupan Extension, Ra­xabago at Maria Gizon Sts.

Ayon kay Supt. Jaime Ramirez, Fire Marshal ng Manila Fire Bureau, alas-3:00 pasado ng madaling araw nang magsimula ang sunog na naideklarang fire-out alas 9:59 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon na kwitis, isang uri ng firecrackers ang posibleng sanhi ng malaking sunog matapos na may nakakita sa pagbagsak nito sa isang bahay na pag-aari ng isang Louie Basa, na agad ding sumiklab pati ang katabi pang luma at abandonadong bahay na yari lamang sa kahoy na pag-aari umano ng isang Lulay Soriano.

Malakas din umano ang hangin kaya’t mabilis ang pagkalat ng apoy at sinubukan ng ilang barangay tanod na apulahin ang apoy, subalit bigo silang maagapan ito hanggang sa mismong ang barangay hall ng Brgy. 155 ay matupok.

Samantala, nasa 69 kabahayan  na pag-aari ng mga biktima ng bagyong Yolanda ang natupok  dahil din sa paputok habang sinasalubong ang Bagong Taon sa Tacloban City, Leyte kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ng Tacloban City Fire Marshal, bandang alas-12:19 ng mada­ling araw nang magsimula ang sunog  sa isang bahay na pag-aari ni Salvacion Murillo, 60  na matatagpuan sa Brgy. 56, Perichon District matapos na madikitan nang sumabog na paputok.

Nagawa namang makalabas ng bahay ang matanda at ng anak nitong babaeng si Vivian matapos na lumaki ang apoy na mabilis na kumalat at tumupok rin sa mga katabi nitong kabahayan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BRGY

DAGUPAN EXTENSION

DANILO FRANCISCO

FIRE MARSHAL

JAIME RAMIREZ

LOUIE BASA

LULAY SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with