^

Police Metro

Obrero dedo, 4 kritikal sa salpok sa poste

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang obrero habang malubhang nasugatan ang apat nitong kasamahan nang sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyang tricycle kamakalawa sa kahabaan ng provincial road ng Brgy. Babasit, Manaoag, Pangasinan.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Carylindon Galliguez sanhi ng malubhang sugat na tinamo sa kaniyang katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga nasu­gatang sina Gerald Gomez, Jomar Almonte, Dennis Gomez at Michael Lalaca.

Batay sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling araw ay kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang tricycle na minamaneho ni Gomez nang aksidente itong bumangga sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Galliguez partikular na sa bahagi ng ulo nito na naging mitsa ng kaniyang kamatayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na masyadong mabilis umano ang takbo ng nasabing tricycle na nagbunsod sa malagim na sakuna.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABASIT

BATAY

BRGY

CARYLINDON GALLIGUEZ

DENNIS GOMEZ

GALLIGUEZ

GERALD GOMEZ

JOMAR ALMONTE

MICHAEL LALACA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with