2 NGCP towers pinasabog
MANILA, Philippines – Pinasabog ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang dalawang tower ng National Grid Corporation in the Philippines (NGCP) sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Sa nasabing pagsabog ay nagdulot ng blackout sa maraming mga bayan ng North Cotabato at maging sa lungsod ng Cotabato.
Lumalabas sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang magkakasunod na pasabugan ng bomba ang steel pylons tower 44 at 45 ng NGCP na matatagpuan sa Brgy. Batolawan sa bayan ng Pikit.
Ang pinasabog na mga tower ang nagsu-supply ng kuryente sa buong lalawigan ng North Cotabato, Cotabato City at maging sa iba pang mga lugar.
Ayon kay Sr. Inspector Bernard Tayong, Spokesman ng North Cotabato Police, Improvised Explosive Device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog.
Marami ang naniniwala na posibleng kagagawan naman ito ng Alkhobar terror group.
- Latest