^

Police Metro

5 NPA rebels napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napaslang ang limang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang da­lawa ng sundalo ang nasugatan nang magsagupa ang dalawang panig kamakalawa sa Pa­ngantucan, Bukidnon.

Sa ulat na natanggap ni Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Co­mmand, dakong alas-4:14 ng hapon ay nagsasagawa ng security patrol ang mga elemento ng 3rd Special Forces Company at 1st Special Forces Battalion nang masabat ang grupo ng mga rebelde sa pamumuno ng isang alyas Ka Andy sa Brgy. Mendiz sa bayang ito at agad na nagkaroon ng palitan ng putok.

Ang palitan ng putok ay nagresulta sa pagkamatay ng limang rebelde na ang mga bangkay ay inabandona ng kanilang mga nagsitakas na kasamahan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga nasawing rebelde.

Isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang sundalo upang malapatan ng lunas.

Habang narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang AK 47 rifle, dalawang backpacks, mga pagkain at medical   supplies ng mga rebelde.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BUKIDNON

CAPTAIN ALBERTO CABER

EASTERN MINDANAO CO

KA ANDY

MGA

NEW PEOPLE

SPECIAL FORCES BATTALION

SPECIAL FORCES COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with