^

Police Metro

Lalaki pinatay paglabas ng bahay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kamatayan ang naghihintay sa paglabas ng isang 39-anyos na lalaki sa kanyang bahay nang ito ay pagbabarilin ng da­lawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arri­val sa Pagamutang Ba­yan ng Malabon dahil sa tama ng mga bala sa ulo ay kinilalang si Jay De Guzman, 33, ng Jacinto St., Brgy. Concepcion ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:45 ng gabi ay lumabas ng kanilang bahay ang biktima sakay ng kanyang bisekleta nang ito ay harangin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo nang big­lang naglabas ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay sa kulay pulang Honda Wave patungong Gen. Luna St., Barangay San Agustin.

vuukle comment

BARANGAY SAN AGUSTIN

BRGY

CONCEPCION

HONDA WAVE

JACINTO ST.

JAY DE GUZMAN

LUNA ST.

MALABON CITY

PAGAMUTANG BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with