^

Police Metro

Grade 1 pupil lunod sa poso negro

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuang nakalutang ang isang 8-anyos na batang babae matapos na ito ay mahulog at malunod sa isang bukas na poso negro sa loob ng terminal ng bus kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Jasmin Longa­bela, grade 1 pupil at residente sa no. 77 Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng mga guwardiya ng terminal ilang minuto matapos ang pagkawala nito.

Nangyari ang insidente sa may parking space ng Partas Bus terminal na matatagpuan sa Aurora Blvd., kanto ng Arayat St, Brgy. Kaunlaran.

Nabatid na hindi pa tapos ang septic tank kung saan naglalaro malapit dito ang biktima at tatlo pang bata.

Ayon sa isang alyas Grace, isang lalaki umano ang nakita niyang nagtulak sa biktima sa septic tank nahulog at nalunod.

Itinanggi naman ito ng mga guwardiya ng terminal dahil sila lang ang tanging nagbabantay sa lugar.

vuukle comment

ARAYAT ST

AURORA BLVD

AYON

BRGY

IMMACULATE CONCEPCION

JASMIN LONGA

LANTANA ST.

PARTAS BUS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with