^

Police Metro

Kelot binaril sa ulo ng tindero ng pirated DVD

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 29-anyos na lalaki nang ito ay malapitang binaril sa ulo habang naglalaro ng cara y cruz kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang nasawi ay kinilalang si Aries Danao, self- employed, residente ng Bagong Pag-asa, Taguig  Homeowners Association, Inc., Ibayo Tipas, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas-6:20 ng gabi ay naglalaro ang biktima ng cara y cruz  sa tapat ng 177 R. Jabson St., Barangay San Joaquin nang sumulpot ang suspek na kinilalang si Basti Sarim, DVD vendor, at residente ng E. Santos St., Barangay San Joaquin at walang kaabog-abog na binaril sa ulo ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang suspek nang makitang bumagsak ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon para alamin ang motibo ng pamamaslang sa biktima ng suspek na hinalang may galit dito.

 

vuukle comment

ARIES DANAO

BAGONG PAG

BARANGAY SAN JOAQUIN

BASTI SARIM

HOMEOWNERS ASSOCIATION

IBAYO TIPAS

JABSON ST.

PASIG CITY

SANTOS ST.

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with