^

Police Metro

Bebot tinarakan ng patalim sa ulo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatarak pa ang patalim sa ulo ng isang dalaga nang ito ay isugod sa ospital kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay kinilalang si Mylene Dela Cruz, ng Phase 3 Pla-pla Street, Brgy. Longos, ng lungsod.

Ang suspek  na tumakas ay kinilala sa alyas na Danica.

Batay sa ulat, naglalakad ang biktima kasama ang pinsan na si Alma Dela Cruz nang biglang sumulpot ang suspek na si Danica at kinompronta siya ukol sa kanilang hindi mabatid na alitan.

Ang pagtatalo ay humantong sa sabunutan at suntukan hanggang sa magbunot ng dalang patalim si Danica at tarakan si Dela Cruz sa ulo saka mabilis na tumakas.

Nakatarak pa ang patalim sa ulo ni Dela Cruz nang isugod sa pagamutan dahil sa takot ng mga rumesponde na bunutin ito ay hinayaan na lamang ang mga doktor na magtanggal.

vuukle comment

ALMA DELA CRUZ

BATAY

BRGY

DANICA

DELA CRUZ

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LONGOS

MALABON CITY

MYLENE DELA CRUZ

NAKATARAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with