2 utas, 3 sugatan sa gang war
MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi habang tatlo ang nasugatan kabilang ang isang pulis matapos na magsagupa ang dalawang magkalabang gang sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Mark Joseph Yekla, 24, ng #29 Balagtas St., Barangay 143, Bagong Barrio na miyembro ng Sawako Gang matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at si Chris Ford John Leyno, 19, ng #161 GeÂneral Mascardo St., Barangay 143 na miyembro naman ng Demons Gang na nagtamo rin ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nasugatan naman sina PO1 Bryan Mara, nakatalaga sa Caloocan City Police; Antonio Adap, barangay tanod, ng Barangay 143, Bagong Barrio; at Wilson Malig, 30, waiter na pawang nagtamo ng mga saksak sa katawan.
Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:00 ng madaling araw sa Adelfa St., Barangay 132, Bagong Barrio ng naturang lungsod ay nagsagupa ang Sawako Gang at Demons Gang.
Dito ay rumesponde sina PO1 Mara at Adap at sa kasagsagan ng rambulan ay nasaksak ang nabanggit na mga biktima, gayundin ang byÂstander na si Malig.
Biglang umaliÂngawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril hanggang sa nakita na lamang duguan sina Yekla at Leyno.
- Latest