Trust at performance rating ni Marcos, bumaba

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr batay sa panghuling survey ng OCTA Research.
Ayon sa OCTA survey, mula sa 49% na trust at performance ratings ni Pangulog Marcos na naitala noong second quarter, bumaba ito sa 45% nitong third quarter ngayong taon.
Nabawasan din ng tatlong puntos ang performance rating ng Pangulong Marcos. Mula sa 47% na naitala noong second quarter, nasa 44% percent na lamang ito sa ikatlong quarter ngayong taon.
Samantala, halos hindi naman nabago ang trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa OCTA, nasa 48% ang trust rating at 46% ang performance rating ni Duterte.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 4 sa 1,200 respondents na may edad na 18-anyos pataas,.
- Latest















