^

Police Metro

PNP Chief: 2 lider ng Ozamis gang itinumba talaga!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na rubout at hindi shootout ang naganap sa pagkakapatay sa dalawang lider ng Ozamis gang sa San Pedro, Laguna noong gabi ng Hulyo 15.

Sinabi ni Purisima na lumutang ang anggulo ng rubout hinggil sa kinukuwestiyong pagkamatay nina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot.

Batay sa isinumiteng report ng pinuno ng Task Force na si Deputy Direc­tor General Catalino Cuy, walang indikasyong nagkaroon ng palitan ng putok  sa pagitan nina Cadavero at Panogalinga sa kanilang mga police security escorts.

 Ayon kay Purisima na lumilitaw na rubout ang nangyari subalit patuloy pa rin ang panga­ngalap ng ebidensya para tuma­yo sa korte ang kasong kriminal laban sa 14 na­sibak na opisyal sa pa­ngunguna ni Sr. Supt. Danilo Mendoza, pinuno ng Regional Special Ope­rations Group (RSOG).

Hindi naman kasama sa sasampahan ng kasong kriminal pero mahaharap sa kasong administratibo si dating CALABARZON Regional Director P/Chief Supt. Benito Estipona, kasama sa mga nasibak na opisyal bunga ng insi­dente.

Sa naunang report ng grupo ni Mendoza, sinabi nito na tinangkang iligtas ng kanilang mga kasamahan sa sindikato sina Cadavero at Panogalinga matapos ambusin ang kanilang convoy na napatay nang tangkang mang-­agaw ng baril habang ka­nilang ineskortan ang dalawang lider.

Ang insidente ay naganap ilang oras matapos na maiprisinta ng mga opisyal ng PNP sa pangu­nguna nina Estipona, Purisima at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang dalawang suspek sa press conference sa Camp Crame.

Magugunita na sina Cadavero at Panogali­nga, ang nasa likod sa serye ng robbery /holdup sa mga money changer, convenience store at iba pa sa Metro Manila ay nasakote noong Hulyo 13 sa Dasmariñas City, Cavite matapos ang ilang buwang pagtatago sa batas.

vuukle comment

BENITO ESTIPONA

CADAVERO

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

DANILO MENDOZA

DEPUTY DIREC

PURISIMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with